"Natatakot ako, nalilito. Anung bukas ba mayroon ako?……" — Dee

"Natatakot ako, nalilito. Anung bukas ba mayroon ako? Sa bagong landas Sa bagong yugto Wala ba sa lihis? Paano tutungo? Tinipon ko ang lakas Pinag-isipan, nagnilay Tama ba ang aking malay? Huwag naman sana akong sumablay Kailangan ko ng agapay Malayo ang lakbayin Tatlong oras kung tutuusin Ang daan ko'y may kadiliman Kandila ang tanging ilawan Oras ko'y pasasaan? Ayaw ko mang mamaalam Desisyon ay naiatang May bahid man ng kaba Tinatapangan ko Maniwala ka Sa doo'y maraming bago Sa dito nama'y umay na'ko Wari'y walang pag-asenso Kumakandili sa 'di totoo San ka boboto? Ito'y hindi madali Ayaw ko ng patali Mabuti nang mamalagi Sa tunay na haligi Kaysa naman sa namimili Aking tatapusin ang linya Paalam na. Aking ilalagay sa alaala Mag-ingat ka. Heto't tapos na."

Dee

58 Quotes by Dee

Dee has 58 quotes on this site. A few more worth reading:

See all 58 quotes by Dee »

More Aking Quotes

This quote is filed under Aking Quotes, one of 8 quotes in that category. Here are a few more:

See all 8 Aking Quotes »